Header Ads

NASAAN ANG MGA SIBUYAS?

 


Nagulantang ang Aktres na si CHERRY PIE PICACHE ng mawala ang mga puting sibuyas sa merkado at kung mayroon man ay umaabot umano ng P500 kada kilo.

Ayon sa Kakampink Actresss, 'this is a first' o unang pagkakataon umano ito na walang white onions at kung mayroon man ay sadyang napakamahal.

Kinumpirma ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na ubos na nga ang suplay ng puting sibuyas sa bansa.

Karaniwang nagkukulang talaga ang suplay ng mga produkto kapag OUT OF SEASON ITO kaya hindi ito "First." Ayon sa wesbite na tridge.com, kadalasang nasa pagitang ng Oktubre hanggang Pebrero ang pagtatanim ng puting sibuyas sa bansa at pumapatak naman ng Marso hanggang Abril ang anihan.

Pinagaaralan na ng Department of Agriculture ang importasyon ng white onions upang matugunan ang kakulangan sa suplay ngunit isinasaalang-alang din umano ng DA na hindi makakasasama sa kabuhayan ng ating local producers and farmers ang gagawing pagaangakat.

Dagdag ni Evangelista, Lubha rin umanong tumaas ang presyo ng gasolina, abono at binhi ng white onions kumpara sa red onions na maaaring dahilan ng pagbaba ng produksyon nito.

Nakatakdang makipagpulong ang DA sa mga magsasaka ng puting sibuyas upang tlakayin ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan upang sila ay matulungang makapag-produce ng suplay ng sibuyas, kasama na rito ang pagbibigay ng assistance at subsidiya sa kanilang produksyon.

No comments

Powered by Blogger.