Abogado, ipinagtanggol si Ella Cruz kay Ambeth Ocampo: “HINDI ka lang ang awtoridad sa usapin ng kasaysayan!”
Ipinagtanggol ng isang abogado si Ella Cruz mula sa mga kritismo ng kilalang historian na si Ambeth Ocampo.
Sa kanyang mahabang Facebook post, binatikos ni Atty. Nick Nañgit si Ocampo at sinabi na hindi naman literal na ipinarehas ni Cruz ang kasaysayan sa “tsismis”.
Tinawag ni Nañgit na ‘figure of speech’ ang sinabi ni Cruz na “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin,”
“Ang sabi ni Ella “LIKE”. Hindi nya sinabing “History IS chismis”. Ang tawag diyan ay “simile”. Kinukumpara lang niya ang kasaysayan sa tsismisan. Bakit may pa-confuse ka pang nalalaman e mukhang ikaw ang na-confuse!” banat ni Nañgit.
“Parang ganito lang yan: Kung sasabihin ko, Ambethoso is LIKE Roderick Paulate, hindi ibig sabihin ikaw siya. Kamukha mo lang o yun bang may similarities kayo. Kapag may naghahanap sa inyo at dinescribe si Roderick Paulate na kamukha nung dambuhalang pakalat kalat, malamang ituturo ka, getz mo?” dagdag niya pa.
Sinabi rin nito na tama ang sinabi ni Cruz na may kanya-kanyang opinyon ang mga tao na dapat igalang ng kapwa nila.
“Wala naman siyang sinasabi na tumataliwas sa mga eme eme mo. Bakit ka affected? Dahil lamang kasama siya sa pelikula? Dahil lamang may pelikulang maglalahad na ng kabilang bahagi ng mga kuwentong dilaw? Ayaw niyo bang malaman ang buong kwento? Para lang yan sa away ng mag-asawa. Hindi isang panig lang ang pakikinggan.” wika ng abogado.
“Dapat parehong panig ay pakinggan. Doon malalaman ang buong kwento. Ang mahirap sa inyong mga hinehepa, Ambethyoso, e gusto nyo isang panig lang ang ikalat at ituro. Mali yun. Kahit sa korte o sa kumpisal, pakikinggan ang dapat pakinggan.” dagdag niya pa.
Naniniwala din ang abogado na may kinikilingan ang lahat ng mga isinusulat sa kasaysayan.
Post a Comment